Sa Liyab ng Libu-libong Sulo

October 10, 1997

ni Julian Alejandro Onal

“Ramos! Tuta! Diktador! Pasista!” Paulit-ulit itong dumidikdik sa aking pandinig at di ko napapansing ako man ay nakikisabay na rin sa pagkarami-raming taong lumalakad-takbo sa lansangan ng Maynila habang isinisigaw ito.

Tila nalulunod ang aking kamalayan pagtunghay sa samu’t saring mukha at pagdinig sa iba’t ibang boses na iisa ang ibinubulalas.

Nakamamangha ring tingnan ang ningas ng apoy ng libu-libong sulo na aming tangan-tangan. Continue reading Sa Liyab ng Libu-libong Sulo…

Pangako

October 10, 1997

Sabi ng matatanda, hindi raw mapupunta sa langit ang mga sinungaling.

Nang ipatupad ng pamahalaang Ramos ang deregulasyon sa industriya ng langis, kasabay ang pangakong ito’y magdudulot ng kabutihan sa mamamayan.

Maiiwasan, ayon sa pamahalaan, ang pagtaas ng presyo ng langis sapagkat ang deregulasyon daw ay magbibigay-daan upang makapasok ang mga bagong kumpanya sa industriya ng langis. At kapag marami ang nagseserbisyo, tiyak daw na bababa ang presyo. Continue reading Pangako…

Powered by WordPress and Dreamhost using Horacio Bella's Zoom theme.
XHTML y CSS válidos. visitors