Hustisya at dangal
November 26, 2006“Isang taon na ang nakalipas mula nang ako ay ginahasa at itinapon ng mga Amerikanong sundalo sa tabi ng daan na parang baboy. Sa araw na ito noong nakaraang taon, pumunta ako sa Subic kasama ang aking mga kapatid para magbakasyon. Noon, punung-puno ako ng buhay at pag-asa sa aking kinabukasan. Noon, masaya akong nabubuhay kasama ang aking pamilya. Hindi ko akalain na ang aking pagbakasyon sa Subic ay hahantong sa isang trahedya. Sa araw na ito noong nakaraang taon, nagbago ang aking buhay.â€
Ganito sinimulan ng biktimang tinatawag na si Nicole ang kanyang pahayag sa unang anibersaryo ng kontrobersyal na Subic Rape case. Punung-puno ng hinaing ang pahayag ni Nicole. Ikinuwento niya ang naranasan niya sa paghahanap ng katarungan: “Hindi naging madali ang aking pagsampa ng reklamo laban sa aking mga rapists. At lalong hindi naging mabait sa akin ang sistema nang ako’y magdesisyon na ituloy ang aking kaso,†ayon kay Nicole. Continue reading Hustisya at dangal…
Philippine Idol
November 12, 2006Dati’y may naisulat na ako tungkol kay Jasmine Trias, isang dalagitang may dugong Pinoy na naging finalist sa American Idol, isang sikat na TV show sa United States. Dahil marahil kay Jasmine, naging popular din sa Pilipinas ang palabas na ito. Pati mga tulad kong walang pakialam sa mga palabas sa States, napatingin at nakiabang na rin sa American Idol.
Dahil sa mga programang gumagaya sa American Idol, muling namayagpag ang mga paligsahan sa pag-awit sa telebisyon. Wari’y nabuhay ang sigla ng “Tawag ng Tanghalan†at “Tanghalan ng Kampeonâ€, na namayagpag sa ere noong mga nakalipas na dekada. Continue reading Philippine Idol…