People Power sa Marinduque
January 28, 2007Basta na lamang lumipas ang ika-20 ng Enero ng taong ito nang walang anuman. Para bagang isa lamang itong ordinaryong araw. Tila nakalimutan ng lahat na anim na taon na ang nakakalilipas nang araw na iyon, ang buong muno’y muling tumunghay sa Pilipinas habang kasagsagan ng pag-aalsang tinawag na EDSA Dos o People Power 2.
Di naman mahirap maintindihan kung bakit nagkaganito. Napako kasi ang mga pangako ng People Power. Ang taong nakinabang sa pagkakaisa ng sambayanan at naging pangulo, kinasusuklaman na ngayon ng marami at nais paalisin sa puwesto ng may kalahati ng populasyon dahil sa umano’y pandaraya niya noong nakaraang eleksyon. Continue reading People Power sa Marinduque…
Bagong gahasa
January 14, 2007Ang samu’t saring kulay ng liwanag at lakas ng ingay ng Bagong Taon sana ang mas magandang talakayin sa munti kong espasyo rito sa Pinoy Gazette ngayong kapapasok lamang ng 2007. Ngunit sa kalaliman ng gabi ilang araw bago matapos ang taon, may naganap na isang kasuka-sukang krimen.
Noong gabi ng Disyembre 29, 2006, habang abala ang madla sa paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon, palihim namang inilipat ng mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa Makati City Jail patungong US Embassy ang Amerikanong sundalong si Daniel Smith, na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kasong panggagahasa sa isang Pilipina. Continue reading Bagong gahasa…