Bakasyon
April 22, 2007Kahit nakakapagod, masaya ako’t nakauwi’t nakapagbakasyon ako sa Marinduque nitong nakalipas na Semana Santa. Bago ito, hindi bababa sa tatlong magkakasunod na Holy Week na ang lumipas na hindi ko nagugol sa amin sa Marinduque dahil sa trabaho ko rito sa Maynila.
Sa pagkakaalala ko, ang huling Semana Santa na ginugol ko sa Marinduque–maliban sa ngayong taon nga–ay noon pang 2002. Umuwi ako kasabay ang mga kaibigan ko sa Peyups.com. Medyo napahiya nga ako dahil parang penitensya ang biyahe. Matapos maghintay nang mahigit kalahating araw yata sa pier, nagmukha kaming mga refugees na may katiting lamang na espasyo sa sinakyan naming bapor. Pagdating sa Marinduque, namalagi kami sa isang isla at nag-overnight doon. Continue reading Bakasyon…
Ka Satur
April 1, 2007“Alam mo bang disappointed na disappointed kaming mag-asawa sa pagkakadakip kay Mang Satur nung nanonood kami ng TFC nung isang araw? Ganyan na ba talaga sa gobyerno natin, Ederic? Nakakayamot na talaga.”
Comment ito ni Ate Sienna, cyberfriend ko na nakabase sa Estados Unidos. Ang tinutukoy niyang Mang Satur ay si Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, na nitong Marso ay inaresto at ikinulong dahil sa kasong multiple murder. Continue reading Ka Satur…