Di na natuto

July 22, 2007

Nahihirapan akong manood nang mahinahon ng mga balita tungkol sa mga paglubog ng mga sasakyang dagat at mga aksidenteng marami ang namamatay. Nababagbag ang damdamin ko kapag iniuulat na ang paghahanap sa mga nawawala at ang paghahanay sa mga natagpuang bangkay. Nakakawindang kapag naririnig ko ang mga hikbi at hagulhol ng mga naulila.

Labindalawang taon na ang nakalilipas, noong Mayo 16, 1995, naging biktima rin ang aking ina sa aksidenteng pagkasunog at paglubog ng M/V Viva Antipolo VII sa dagat sa pagitan ng Marinduque at Lucena. Nang matagpuan ang aking ina, wala na siyang buhay. Base sa estadistika ng Board of Marine Inquiry, maliban sa amin ay may humigit-kumulang 70 pamilya pang nagdalamhati sa tila isinumpang araw na iyon. Continue reading Di na natuto…

Ilabas si Jonas!

July 8, 2007

Noong panahon ng diktaduryang Marcos, binihag ng mapaniil na rehimen ang kalayaan sa pamamahayag. Ngunit may ilang matatapang na peryodistang nangahas at hinamon ang ganoong kalagayan.

Isa sa mga nanguna sa pagsalunga si Jose “Joe” Burgos, Jr. Sa kasagsagan ng Batas Militar, itinayo niya ang We Forum at Malaya at inilathala ang mga istoryang hindi pinapansin ng midyang kontrolado ng pamahalaan. Iwinagayway ni Burgos ang bandila ng alternative press. Inilabas niya ang mga kalabisan ng diktadurya, kaya inaresto at ikinulong siya upang patahimikin ang kanyang mga pahayagan. Sa kanyang paglabas, muli niyang binuhay ang Malaya at sinundan ang istorya ng pagkakapaslang kay Ninoy Aquino. Mahalaga ang naging papel ng kanyang pluma sa pagtapos sa kabuktutan ng rehimeng Marcos. Continue reading Ilabas si Jonas!…

Powered by WordPress and Dreamhost using Horacio Bella's Zoom theme.
XHTML y CSS válidos. visitors