Guilty!
September 23, 2007Kahit naabsuwelto siya sa kasong perjury, guilty naman ang hatol ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong ni dating Pangulong Joseph “Erap†Estrada
Ayon sa desisyon ng korte, ang paulit-ulit na ang pangongolekta ni Erap ng umabot sa mahigit 50 milyong pisong suhol sa jueteng sa tulong ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson at iba pang mga kasabwat ay sapat na para maideklarang nagkasala si Erap sa krimeng plunder.
Jose Maria Sison
September 9, 2007Noong nasa kolehiyo ako at sumali sa UP Journalism Club, laging ipinagmamalaki ng aming organisasyon na isa sa mga naging unang kasapi namin ay si Jose Maria Sison, kilalang manunulat, makata at rebolusyunaryo. Bilang paghahanda sa aming ika-50 anibersaryo, humingi kami sa kanya ng isang pahayag. Ipinadala naman niya sa e-mail ang kanyang pagbati, at sinabi pang naging pangulo rin siya ng JournClub.
Noong nasa media na ako, minsan ko ring na-interview sa e-mail si Prof. Sison–o Joema–para sa ginawa kong isang report tungkol sa relihiyon at rebolusyon. At nang nagtatrabaho na ako bilang mananaliksik sa telebisyon, nakausap ko rin siya sa telepono upang hingan ng komento tungkol sa katauhan ng dating aktibista at ngayo’y pinuno ng Jesus is Lord Church na si Brother Eddie Villanueva, na tumakbo sa pagkapangulo noong 2004. Continue reading Jose Maria Sison…