Bomba sa Kamara
November 25, 2007Niyanig ng isang pagsabog sa House of Representatives ang dapat sana’y ordinaryo at payapang gabi ng sambayanang Pilipino noong gabi ng Nobyembre 13.
Kung kadalasa’y kontrobersiya at iskandalo lamang ang sumasambulat sa Kamara, nang gabing iyon ay totoong bomba ang sumabog at ikinamatay ng tatlong tao, kabilang si Basilan Rep. Wahab Akbar. Kinitil din ng pagsabog sina Marcial Taldo, driver ni Gabriela Party-List Rep. Luz Ilagan, at Maan Bustalino, staff ni Negros Oriental Rep. Henry Teves. Kapwa sugatan sina Reps. Ilagan at Teves.
Continue reading Bomba sa Kamara…
Eleksyon sa barangay
November 11, 2007Umuwi ako sa aming bayan sa Marinduque nitong nakalipas na barangay at Sangguniang Kabataan elections. Tumakbo kasing kapitan ang tiyo ko. Sa dalawa niyang mga kalaban, pinsang buo niya yung isa. Nagbiro nga ako: kako’y para kaming yung malalaking political families sa mga probinsya–kahit magkakamag-anak ay nagbabanggaan sa pulitika.
Pero sadyang ganyan ang pulitika sa barangay sa Pilipinas–parang mini version ng national at local elections. Sa kampanya pa lamang, makikita mo na ang karakter ng pambansang halalan: malalaking campaign funds na umaabot din daw ng milyun-milyon para sa iba; naglalakihan at nagmamahalang banners at posters na di mo malaman kung sumunod ba sa pamantayan ng Commission on Elections sa tamang sukat ng campaign materials; mga maiingay na loud speaker na nakakabit sa sasaktan; mga nagkalat na tarheta at flyers na ipinamimigay ng mga kandidato; at makukulit na mga kabuntot sa pangangampanya.
Continue reading Eleksyon sa barangay…