Mga usapin ngayong 2007

December 23, 2007

Sari-saring isyu, iskandalo at pasabog na naman ang kinaharap ng bayan sa taong 2007.

Sariwa pa sa alaala nating lahat ang pag-aalsa nina Senador Antonio Trillanes IV, ilang sundalo at mga sibilyang lider sa Manila Peninsula. Pero naaalala pa kaya natin ang mga dahilan nila?

Bukod sa “Hello Garci,” fertilizer scam, at iba pang kalokohan sa mga nakalipas na taon, kabilang sa mga nagtulak kina Trillanes ang ZTE scandal, panunuhol sa mga gobernador at congressman sa Palasyo na ibinisto ni Fr. Ed Panlilio, ang buong kakapalang pagbasura sa impeachment at ang patuloy na pagpatay at pagdukot sa mga aktibista.

Continue reading Mga usapin ngayong 2007…

Simbahan

December 20, 2007

Noong bata pa ako, mas relihiyoso ako. Regular na nagsisimba ang Nanay at Tatay (lolo at lola ko) at coordinator ng mga katekista ang aking ina. Mistulang playground ko ang compound na kinalalagyan ng simbahan ng parokya, ng kumbento ng mga madre, at ng tirahan ng mga pari. Isa sa mga paborito kong laruan noon ang stuffed toy na kabayo mula sa kaibigan naming madre na si Sister Paula. Nakarating pa nga sa bahay namin ang isang dating obispo ng Diyoseses ng Marinduque.

Ang Simbahan ang unang nagturo sa akin ng pakikisangkot at pakikialam sa mga nangyayari sa lipunan. Mula sa mga kanta gaya ng Pananagutan (Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang… / Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa / Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya); sa mga aral ng Panginoong Hesukristo (Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw) na itinuturo ng Simbahan; hanggang sa aktuwal na paglaban ng mga pari sa pagtatapon ng Marcopper Mining Corporation ng nakalalasong basura sa aming dagat, nakita ko ang kahalagahan ng pakikialam at pakikisangkot.

Continue reading Simbahan…

Pag-aalsa sa Peninsula

December 9, 2007

Isa na namang pag-aalsa ang nagaganap sa Makati nitong Nobyembre. Nag-walkout sa paglilitis ng kanilang kaso sa korte sina Senador Antonio Trillanes at Brig. Gen. Danilo Lim kasama si dating Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona saka nagmartsa patungo sa Peninsula Hotel. Doon sila nanawagan sa mga mamamayan at sa mga sundalo na wakasan na ang rehimeng Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakiisa rin sa kanila ang dalawang obispo, sina Archbishop Emeritus Julio Labayen ng Infanta, Quezon at Bishop Antonio Tobias ng Novaliches at ilan pang mga kilalang kritiko ng gobyernong Arroyo tulad nina dating PNP Chief General Ramon Montano, dating University of the Philippines President Prof. Francisco Nemenzo, na pinuno ng Laban ng Masa.

Continue reading Pag-aalsa sa Peninsula…

Powered by WordPress and Dreamhost using Horacio Bella's Zoom theme.
XHTML y CSS válidos. visitors