Krisis
April 27, 2008Ang sabi ng isang salawikain, habang maiksi raw ang kumot, matuto tayong mamaluktot. Pero sabi ng mga kabiruan ko, kapag maiksi ang kumot, maghigpit ng sinturon. Siguro dahil biruan lang, pareho na rin yun.
Pero hindi biro ang tunay na nararanasan ng mga kababayan natin ngayon sa Kamaynilaan at iba pang bahagi ng bansa. Pataas nang pataas ang presyo ng bigas. Sabi ng nanay ng girlfriend ko, ang dating P21 kada kilo, ngayon ay umaabot na ng P31! Halos 50% ang itinaas, at patuloy pa itong tumataas.
Milagro para kay Tita Cory
April 13, 2008
Arkibong Bayan
Nagulat at nalungkot ang maraming Pilipino nang i-anunsyo ng mga anak ni dating Pangulong Corazon Aquino na siya ay may sakit na colon cancer. Walang nag-isip na ang dating pangulo, na sa edad na 75 ay walang pagod na nakikibaka laban sa katiwalian, ay may ganoong karamdaman. Sunud-sunod na mga rally at “mass for truth” ang dinaluhan ni Tita Cory bilang pagsasabuhay sa patuloy niyang panawagan para mailabas ang katotohanan sa kontrobersyal na ZTE deal na umano’y kinasasangkutan ng Unang Pamilya.
Siguradong nakakataba ng puso para kay Aquino ang pagbaha ng pagmamahal at panalangin matapos malaman ng sambayanan ang balitang ito. Mula sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan, sa mga nasa civil society, at mga simbahan, iisa ang hiling sa Diyos: ang agarang paggaling ng iginagalang na lider.
Continue reading Milagro para kay Tita Cory…