Bangsamoro
August 24, 2008Isang araw bago ang nakatakdang pirmahan sa Malaysia ng isang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front, kumilos ang Kataastaasang Hukuman upang ipahinto ito.
Ang kasunduan, na ang buong pamagat ay “Memorandum of Agreement on the Ancestral Domain Aspect of the GRP-MILF Tripoli Agreement on Peace of 2001″ ay kumikilala sa karapatan ng mga Bangsamoro na magkaroon ng sariling teritoryo at sariling pamahalaan. Palalawakin nito ang nasasakupan ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao upang buuin ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE).
Lokohan
August 10, 2008Masigabong palakpakan ang isinalubong ng mga alipores ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga sinabi sa State of the Nation Address (SONA) sa House of Representatives noong Hulyo 28, 2008. Ganado naman si Arroyo, na sadyang tumitigil sa pagsasalita pagkatapos ng halos bawat talata upang bigyang-daan ang palakpakan ng kanyang mga kaibigang mambabatas.
At kahit kadalasa’y duda sa mga pinagsasasabi ni Arroyo, siguradong ang bawat text addict na gaya ko ay nagising sa bahaging ito ng kanyang SONA: “Texting is a way of life. I asked the telecoms to cut the cost of messages between networks. They responded. It is now down to 50 centavos.”