Pag-ahon
October 26, 2008Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.†Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad.
Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan ng bawat isa — mag-aaral man o hindi — ang kahalagahan ng pakikisangkot at pagsusuri sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan. “Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay makasagabal sa inyong edukasyon,†ang paghahalaw ng isang kanta sa musical tungkol sa buhay ni Lean Alejandro sa isang sikat na quotation ng dakilang manunulat na si Mark Twain.
Si Janina San Miguel at ang misedukasyon ng Pilipino
October 12, 2008“In exchange for a smattering of English, we yielded our souls.â€
– Renato Constantino, The Miseducation of the Filipino
Binitawan kamakailan ni Binibining Pilipinas-World Janina San Miguel ang kanyang korona dahil daw sa ilang personal na dahilan. Dati nang may mga nagpetisyon sa Internet na palitan siya bilang kinatawan ng bansa sa Miss World dahil sa kakulangan niya ng kakayahang mag-English. Naging sikat pa nga sa YouTube ang video ng kanyang sagot sa question and answer portion ng beauty pageant.
Para sa maraming Pilipino, tila bukod sa boksing ay mga patimpalak ng kagandahan na lang yata — at ang husay sa pagsasalita sa English — ang pag-asa ng bansang ito.
Continue reading Si Janina San Miguel at ang misedukasyon ng Pilipino…