Pasko at uwian
December 28, 2008Kakatapos ko lang mag-empake ng mga damit at iba pang gamit sa aking maleta habang isinusulat ko ang kolum na ito. Matapos ang halos dalawang buwan dito sa Singapore para mag-training sa bago kong trabaho, uuwi na rin ako sa Pilipinas sa weekend.
Tamang-tama, ilang araw na lamang at Pasko na. Nagsimula na nga ang Simbang Gabi. Hindi ako nakadalo rito. Sabagay, kahit naman sa Pilipinas, hindi ako nakakapag-Simbang Gabi. Umaga na kasi ako natutulog kadalasan.
Continue reading Pasko at uwian…
Luksa’t tagumpay
December 14, 2008Habang nagbubunyi ang sambayanang Pilipino sa muli na namang tagumpay ng pambansang kamaong si Manny “Pacman†Pacquiao, ginulantang naman ang bansa ng balita ng biglaang pagpanaw ng Starstruck idol na si Marky Cielo.
Umaga pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa kalalabasan ng laban nina Pacman at Oscar “The Golden Boy†De la Hoya. Tuwing may laban si Pacquiao, parang national holiday — kokonti ang mga taong kumakalat-kalat sa kalsada. Halos lahat ay nag-aabang sa radyo, telebisyon at Internet ng announcement ng kanyang pagkakapanalo.
Continue reading Luksa’t tagumpay…