Bastusang Pambansa
June 28, 2009Nabanggit ko sa nakalipas na kolum ang tungkol sa Bastusang Pambansa Scandal, o ang walang patumangga at buong pagmamadaling pagpasa ng mga mga congressmen ni Gloria Arroyo ng isang resolusyon para tipunin ang kanilang sarili sa constituent assembly na babago sa Konstitusyon.
Tila rumaragasang train na ipinasa ng mga kaalyado ni Gloria sa House of Representatives ang House Resolution 1109. Nananawagan ang resolusyong ito na gawing constituent assembly ang Kongreso — may pakikiisa man o wala ng Senado. Iginigiit ng Resolusyon na hindi na kailangang bomoto nang magkahiwalay ng Senado at ng House para magpanukala ng pagbabago sa Saligang Batas. Basta kailangan lang daw ng boto ng 3/4 ng lahat ng mga miyembro. At dahil mas nakararami ang mga congressman kaysa sa mga senador, malaki ang tsansang magagawa nila ang gusto nilang gawin.
Continue reading Bastusang Pambansa…
Hayden Cam scandal
June 14, 2009Ilang linggo nang pinag-uusapan sa dyaryo, radyo, telebisyon dito sa Pilipinas — at lalo na sa Internet — ang sex video scandal nina Hayden Kho at Katrina Halili.
Si Hayden, 29, ay isang plastic surgeon na nag-artista. Dati siyang boyfriend ng isa pang celebrity doctor na si Vicki Belo, na mas matanda kaysa sa kanya. Si Katrina naman ay isang artistang nakapasok sa showbiz dahil sa StarStruck, isang celebrity search show ng GMA-7. Parehong endorser ng Belo Medical sina Hayden at Katrina.
Continue reading Hayden Cam scandal…