‘Pinaghirapan po namin ito’

July 26, 2009

Pinag-uusapan namin ng kasintahan ko kamakailan kung paanong nauuso na ngayon ang mga activities na ang objective ay mapangalagaan ang kalusugan. Sa opisina, nababanggit namin lagi ang paggi-gym, pagtakbo (habang umuulan), at mga pagkaing healthy. Isa sigurong factor dito ang pag-atake sa atin ng A(H1N1). Syempre, ayaw nating mabiktima nito.

Para naman sa mga praning na gaya ko, paraan ito upang labanan ang mga sakit na anumang oras ay maaaring biglang tumama — hmm, parang bolang ihinagis, ano? Feeling ko kasi lagi, may kung anong sakit ako na baka nakuha ko pa sa parents ko o sa parents nila, na bigla na lamang bubulaga sa akin. Pero sana naman, wala.

Continue reading ‘Pinaghirapan po namin ito’…

Gloria, Imelda at Corazon

July 12, 2009

Tatlong kilalang mga babae sa ating kasaysayan ang sabay-sabay na naging laman ng mga balita nitong nakaraang linggo.

Si Imelda Romualdez Marcos. Dating First Lady ng Pilipinas. Asawa ni Ferdinand Marcos, ang sumakabilang-buhay nang diktador na kasama si Imelda ay nakakulimbat ng tinatayang lima hanggang 10 bilyong dolyar mula sa kaban ng yaman ng bansa. Sinasabing naging may-ari ng pinakamalaking koleksiyon ng mga alahas sa buong mundo at ng 3,000 pares ng sapatos, itinuturing si Imelda ng Newsweek magazine na isa sa mga pinakaganid na tao sa lahat ng panahon.

Continue reading Gloria, Imelda at Corazon…

Powered by WordPress and Dreamhost using Horacio Bella's Zoom theme.
XHTML y CSS válidos. visitors