NoyPi
September 27, 2009Nasaksihan natin sa nakalipas na ilang taon ang malawakang pagpapakita ng pagmamalaki sa ating pagka-Pilipino. Maaaring makatulong ang kampanya ni Senador Noynoy Aquino sa pagpapatuloy sa magandang pangyayaring ito.
Nauso ang mga kasuotang may disenyong Pinoy at nagpapahayag at yumayakap sa ating pambansang pagkakakilanlan. Naging mabenta ang mga damit na may limbag ng bandila at mapa ng Pilipinas at mukha ng ating mga bayani. Lalo pa itong umigting nang pumanaw si Francis Magalona, na nagtaguyod ng makabayang musika. Laging ubos ang stock ng clothing brand niyang 3 Stars & A Sun.
Bakit si Noynoy?
September 13, 2009 Muling nabuhay ang mga alaala ng People Power Revolution sa pagpanaw ni dating Pangulong Corazon Aquino. Sa kanyang libing, muling nasaksihan ng mundo ang isang bayang nagkakaisa sa pagluluksa, pagpapasalamat, at pagbubunyi sa buhay at kontribusyon ni Cory at ng kanyang asawang si Ninoy, ang martir ng demokrasya.Kasabay rin ng malawakang pag-alaala sa mag-asawang bayani ay ang mga panawagang ang kanilang anak, si Senador Benigno “Noynoy” Aquino III, ay tumakbo sa pagkapangulo sa 2010. Kabilang sina Conrado de Quiros at William Esposo, opinion-makers na kilala sa kanilang pagiging makabayan at mabuting intensyon para sa bansa, ang nangunguna sa pagsusulong ng ideyang ito.
Continue reading Bakit si Noynoy?…
