Ampatuan Massacre
December 20, 2009
Gloria Arroyo leads the ribbon-cutting of the Maguindanao capitol complex on Mar. 27. With her are DAR Sec. Nasser Pangandaman, ex-Gov. Datu Andal Ampatuan Sr., Gov. Datu Sajid Islam Ampatuan, Unsay Mayor Datu Andal Jr., Datu Saudi Ampatuan Mayor Datu Saudi, ARMM Gov. Datu Zaldy, and Shariff Aguak Mayor Datu Anwar. (Rey Baniquet/OPS)
Di bababa sa 57 na buhay ang kinitil sa massacre sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong umaga ng Nobyembre 23, 2009.
Kabilang sa mga pinatay ang may 30 mamamahayag. Itinuturing itong pinakamatinding atake sa mga mamamahayag sa makabagong panahon. Inilagay rin nito ang Pilipinas sa itaas ng listahan bilang pinakamapanganib na bansa sa mundo para sa mga nagtatrabaho sa media.
Balak hamunin ni Esmael Mangudadatu, vice-mayor ng Buluan, Maguindanao, ang kapangyarihan ng angkan ng Ampatuan — na kaalyado ni Gloria Macapagal-Arroyo — sa lalawigan ng Maguindanao. Tatakbo siyang gobernador, at inaasahang makakalaban niya si Andal Ampatuan, Jr., mayor ng bayan ng Datu Unsay. Nasa ikatlong termino na kasi si Gobernador Andal Ampatuan, Sr. Ayon kay Mangudadatu, nakatanggap siya ng bantang may masamang mangyayari kapag itinuloy niya ang kanyang balak.
Continue reading Ampatuan Massacre…
Kapangyarihan at kaligtasan
December 6, 2009Hindi na ikinagulat ng mga Pilipino ang pag-aanunsiyo kamakailan ni Gloria Macapagal-Arroyo na habang nakaupong pangulo ng republika, tatakbo siya bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa halalan sa Mayo 2010. Nauna na niya itong ipinaramdam minsang nagtalumpati siya sa Subic noong 2007 at sinabing “Who knows? I may run for Congress in my hometown?” Inakala ng marami na biro lamang ito. Ngunit gaya ng iba pang biro, ito pala ay half-meant.
Pero nakapagtatakang ang isang taong naluklok na sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno ay maghahangad pa ng isa na namang posisyon. Nagdudulot ito ng maraming tanong. Talaga bang nakakaadik ang kapangyarihan? Kapag natikman mo ito, di mo na ba nanaising ito’y bitawan? Mapanatili lamang ito, mawawala na ang iyong pagpapahalaga sa karangalan?
Continue reading Kapangyarihan at kaligtasan…