Siyam na taon
January 24, 2010Matapos ang may siyam na taon, muling tumuntong sa Malacanang ang pinatalsik na Pangulong Joseph Estrada. Pumunta siya roon bilang dating pangulo, na awtomatikong kasapi ng National Security Council.
Sa ilang mga larawan, makikitang magkatabi sila ni Gloria Macapagal-Arroyo at nasa itaas nila ang sagisag ng pangulo ng Pilipinas. Kapag tiningnan mo ang larawan, sa isang iglap ay wari’y di lumipas ang siyam na taon. Babalik ka sa panahong si Erap pa ang pangulo at si Gloria ang kanyang bise-presidente.
Continue reading Siyam na taon…
2009
January 10, 2010Tila paputok ng Bagong Taong sumabog sa Internet ang balita ng pambubugbog ni Masiu, Lanao del Sur Mayor Nasser Pangandaman sa mag-amang kapwa niya kasapi ng isang golf club sa Antipolo City. Lalong lumaki ang isyu dahil si Nasser Jr ay anak ng isang cabinet secretary ni Gloria Arroyo.
Nakarating naman sa Pilipinas ang pagbubunyi sa Amerika nang manumpa si Barack Obama bilang ika-44 at kauna-unahang African-American US president.