Melason
February 28, 2010Sikat na sikat ngayon dito sa Pilipinas ang Melason – isang loveteam na nabuo sa palabas na “Pinoy Big Brother” (PBB) ng ABS-CBN Channel 2. Sina Melisa “Melai” Cantiveros, tinaguriang Inday Kengkay ng General Santos City, at Jason Francisco, Boy Astig ng Mindoro, ang bumubuo sa mainit na tambalang ito.
Si Melai ay masayahin, napakaingay, at nakakatawa, samantalang si Jason ay tahimik, mahiyain, at mahilig matulog. Si Melai yung tipo ng babaeng hindi artistahin, pero pupuwedeng maging komedyanteng maaaring gumanap na anak o nakababatang kapatid ng isa pang komedyanteng si Marietta Subong, na mas kilala bilang Pokwang. Si Jason naman ay maliit na lalaki, pero may kaputian, at umiidolo kay Robin Padilla.
Masineng 2010
February 14, 2010Hindi ako masyadong mahilig manood ng sine. Kadalasan, nanonood lang ako kapag mga paborito kong artista ang bida. Kahit mga DVD, iniisnab ko kapag ang pagpipilian ay ito at ang pag-i-Internet. Kaya nga dehado nga ako sa mga usapan tungkol sa Hollywood films. Pero naisip kong ngayong bagong taon, kapag may pagkakataon at pera, di ko palalagpasin ang mga pelikula ng mga paborito ko, gayundin ang yung mga kontrobersiyal at inaabangan ng marami.