Eleksyon 2010
May 23, 2010Bago isagawa ang nakalipas na halalan, sari-saring pangamba ang bumalot sa isipan ng mga mamamayan. Nagduda ang marami kung matutuloy ang eleksyon. Kinabahan din ang mga tao sa posibilidad na magkaroon ng failure of elections at mangunyapit sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo o kaya’y aagawin ng isang military junta ang kapangyarihan. At kung sakaling matuloy ang halalan — na nangyari naman — inasahang ito ang maging pinakamarumi — at pagkatapos ng Ampatuan Massacre — ay magiging pinakamadugo sa kasaysayan ng bansa.
Oo, naging marumi ang kampanya: di nagsawa sa batuhan ng putik ang mga kampo ng mga presidential candidates na nanguna sa survey. Hindi pa rin nawala ang bilihan ng boto. At umabot sa 32 ang namatay sa 101 election-related violence na naitala ng Armed Forces of the Philippines. Pero higit na mas mababa ang mga bilang na ito kaysa sa mga naitalang insidente ng karahasan at mga biktima sa mga nakalipas na halalan.
Continue reading Eleksyon 2010…
Babay, Gloria?
May 9, 2010Ito ang mga pangako ni Gloria Macapagal-Arroyo nang maging pangulo siya matapos mapatalsik si Joseph Estrada sa EDSA 2: paglaban sa kahirapan, mabuting pamamahala, bagong pulitika, at pagiging mabuting halimbawa sa mga pinamumunuan.
Sa halip, eto ang mga maaalala natin sa kanyang siyam na taon sa poder:
Continue reading Babay, Gloria?…
