Porsche ni PNoy
January 23, 2011Kontrobersiyal ang desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na bumili ng “third-hand” luxury sports car na Porsche gamit ang personal niyang pera. Hati ang opinyon ng mga Pilipino. Para sa iba, ayos lang ang ginawa ni PNoy. Pero may mga bumatikos din sa kanya.
Ibinenta raw ni PNoy ang luma niyang BMW upang mabili ang awtong pangkarera. Hindi nga naman ilegal ang ginawa ng Pangulo dahil hindi naman galing sa kaban ng bayan ang ipinambili niya ng mamahaling kotse. Karapatan din naman niyang maglibang sa gitna ng nakakapagod na trabaho bilang pinuno ng bansa.
Continue reading Porsche ni PNoy…
Mga hiling sa 2011
January 9, 2011Nais kong ibahagi ang ilan lamang sa napakarami kong New Year wishes para sa bayang itong pugad ng ating luha’t dalita:
1. World peace. Hindi naman sa pagpapaka-Maria Venus Raj, pero kailangan ng kapayapaan sa mundo kung di natin nais mabura sa mapa. Sa girian ng mga kapwa-Asyanong Hilaga at Timog Korea, maaari tayong madamay kung mamalasin tayo.
Continue reading Mga hiling sa 2011…