Kailangang linawin
February 27, 2011Laman ng mga balita ngayon dito sa Pilipinas ang pagsisikap ng pamahalaan na iligtas ang tatlong Pilipinong nahatulang mabitay sa Tsina dahil sa pagpupuslit doon ng ipinagbabawal na gamot.
Sa utos ni Pangulong Noynoy Aquino, bumisita si Pangalawang Pangulong Jojo Binay sa Tsina para iapela ang buhay ng mga kababayang nakatakda nang bitayin. Sa kanyang pagbabalik, masayang ibinalita ni Binay na ipinagpaliban muna ng Tsina pagpapataw ng parusang kamatayan kina Ramon Credo, Sally Villanueva, at Elizabeth Batain.
Continue reading Kailangang linawin…
Destab
February 13, 2011Sa isang panayam sa telebisyon kamakailan, sinabi raw ni retired Archbishop Oscar Cruz na may ilang grupong nagbabalak na alisin sa pwesto si Pangulong Noynoy Aquino dahil sa kawalang-kakayanan ng huli sa pamumuno sa bansa.
May military component daw ang isa sa mga grupong nagbabalak ng masama kay Noynoy, at ang isa naman ay may sapat na pananalapi para mapondohan ang destabilisasyon.