Di kawili-wili
April 24, 2011Libu-libo ang nakapanood sa YouTube ng video ng isang batang lalaking kumikiwal-kiwal sa saliw ng musika. Umiiyak ang bata habang sumasayaw na parang munting macho dancer, at nagkakatuwaan naman ang mga nanonood sa kanya. Galing ito sa March 12, 2011 episode ng “Willing Willie,” ang palabas ni Willie Revillame sa TV5. Ang batang sumasayaw sa video ay si Jan-jan, anim na taong gulang. Contestant siya sa isang segment ng show.
“Ganyan ho ang hirap ng buhay ng tao. [Si] Jan-Jan, siyempre nagsasayaw siya bilang isang macho dancer sa edad niyang yan, para sa kanyang mga mahal na pamilya. Pinahanga mo ako Jan-Jan…” ani Willie matapos sumayaw ng bata.
Continue reading Di kawili-wili…
Mapaniwalain
April 10, 2011Matapos ang malakas na lindol sa Japan at ang kasunod nitong tsunami, naapektuhan ang nuclear plant sa Fukushima. Bunsod nito, kumalat at nakaabot pa sa Pilipinas ang pangamba ng nuclear radiation leak.
May kumalat ditong text messages na nagsasabing ang mga tao ay di dapat lumabas ng bahay, isara ang mga pintuan at bintana, at magpahid ng betadine sa leeg dahil ang thyroid ang una raw aatakehin ng radiation. Sa ibang version naman ng text messages, sinabing maaari raw magkaroon ng acid rain na makakasunog ng balat o maaaring magdulot ng pagkalagas ng buhok at kanser.
Continue reading Mapaniwalain…