Rizal @ 150
June 26, 2011Noong mas bata pa ako, may ilusyon akong reincarnation ako ni Jose Rizal. Gaya niya, ninais ko ring maging doktor, manunulat, pintor, makata — at babaero. ‘Yun nga lang, ang nakuha ko sa kanya ay ‘yung parteng laging basted — o nauunsyami ang love life.
Pero sa bandang huli, nakilala ko si Myla, isang binibining sa murang edad ay nangako sa sariling ang mamahalin niya’y isang lalaking kagaya ng ating pambansang bayani. Yun nga lang, hindi ko maipaliliwanag kung paano ko siya nakumbinsing ako ang hinahanap niya. Siguro, dahil gaya ni Rizal, di ako kalakihang tao. O baka naman nakalimutan na lang niya ang lumang pangako niya.
Si Ma’am Chit
June 12, 2011Isa si Ma’am Chit Estella sa mga alumni at dating pangulo ng UP Journalism Club na ang mga pangalan ay inilalagay namin noon sa recruitment posters na ipinapaskil sa kampus. Isa siya sa mga iginagalang na pangalan sa peryodismo at tinitingala naming noo’y mga estudyante sa UP College of Mass Communication (UP CMC).
Hindi kami naging malapit na magkatrabaho, pero lagi akong may kaugnayan sa mga institusyong bahagi siya, at nanatili siyang isa sa mga hinahangaan kong peryodista. Labis kong ikinalungkot ang pagpanaw niya sa isang aksidente noong Mayo 13.
Continue reading Si Ma’am Chit…
