Ka Martin

August 14, 2011

Kaarawan ng kaibigan kong si Alexander Martin Remollino – isang makabayang makata ang manunulat – noong Agosto 6 at nagkita-kita kami ng ilan pa sa mga kaibigan niya para alalahanin ang kanyang birthday. Pumanaw si Alex noong Setyembre 3, 2010. Nais kong ibahagi sa inyo ang pahayag na binasa ko noon sa gabi ng parangal sa kanya:

Marahil, marami po sa ating naririto ngayon ay naubusan na ng mga salita sa nangyari kay Alex. Ang ginagawa na lang natin — lalo na iyong mga di nakasama si Alex sa huling yugto ng kanyang paglalakbay — ay maghapuhap ng mga alaala noong kapiling pa natin siya.

Kaya hayaan ninyong ikuwento ko kung paano namin nakasama si Alex sa website at online community na Tinig.com, na iniluwal sa inspirasyon ng People Power 2. Maaari siguro naming ipagmalaki na kami sa Tinig.com ang mga unang nakasama ni Alex sa kanyang pagtahak sa cyberspace.

Continue reading Ka Martin…

Powered by WordPress and Dreamhost using Horacio Bella's Zoom theme.
XHTML y CSS válidos. visitors