Palm webOS

HP TouchPad

Isa ako sa mga nagulat at nadismaya nang ibalita ng kumpanyang Hewlett-Packard (HP) na ititigil na nila ang paggawa at pagbebenta ng smartphones at computer tablets nila. Pangarap ko kasing magkaroon ng kanilang Palm Pre phones — ang kanilang sagot sa iPhone ng Apple — at ng kanilang TouchPad — ang pantapat naman nila sa iPad. Itong TouchPad ay isa sa mga produktong ini-endorso ng ating Pambansang Kamao, si Manny Pacquiao. Matagal ko nang hinihintay na dumating sa Pilipinas ang gadgets na ito, kaya’t nakalulungkot na di na ito maibebenta pa rito.

Kapwa pinapatakbo ang Pre at TouchPad ng mobile operating system na HP webOS. Mahusay ang webOS: may multitasking kaya’t pwede mong magkakasunod na gawin ang pagche-check ng email o paglalaro ng games nang di ka mawawalan ng datos. Kaya rin nitong pagsama-samahin ang contact details ng mga kaibigan mo mula sa iba’t ibang kinalalagyan: sa address book mo man sa Yahoo!, o sa Google, o sa Facebook. Kapag may bago kang mensahe, tahimik mong makikita ang notification kaya’t di ka maaabala.

Continue reading “Palm webOS”

Ka Martin

Kaarawan ng kaibigan kong si Alexander Martin Remollino – isang makabayang makata at manunulat – noong Agosto 6 at nagkita-kita kami ng ilan pa sa mga kaibigan niya para alalahanin ang kanyang birthday. Pumanaw si Alex noong Setyembre 3, 2010. Nais kong ibahagi sa inyo ang pahayag na binasa ko noon sa gabi ng parangal sa kanya:

Marahil, marami po sa ating naririto ngayon ay naubusan na ng mga salita sa nangyari kay Alex. Ang ginagawa na lang natin — lalo na iyong mga di nakasama si Alex sa huling yugto ng kanyang paglalakbay — ay maghapuhap ng mga alaala noong kapiling pa natin siya.

Kaya hayaan ninyong ikuwento ko kung paano namin nakasama si Alex sa website at online community na Tinig.com, na iniluwal sa inspirasyon ng People Power 2. Maaari siguro naming ipagmalaki na kami sa Tinig.com ang mga unang nakasama ni Alex sa kanyang pagtahak sa cyberspace.

Continue reading “Ka Martin”

May Pajero man o wala

Nakatikim ng sermon mula sa mga senador si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Margarita Juico sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa isyu ng pagtanggap ng ilang obispong Katoliko ng mga sasakyan mula sa PCSO noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi kasi maipaliwanag ni Juico kung bakit tinawag ng media na “Pajero bishops” ang mga obispong nasangkot sa kontrobersiya, gayong wala naman daw sa kanilang nakatanggap ng Pajero.

Ayon sa ulat ng Commission on Audit, umabot sa P6.9 milyon ang kabuuang halaga ng pondo ng PCSO na ipinagkaloob sa Simbahang Katoliko para ibili ng mga sasakyan para sa mga diyoseses ng Cotabato, Zamboanga, Basilan, Butuan, at sa Caritas Nueva Segovia. Ang mga sasakyang natanggap daw ng mga obispo ay Nissan Pathfinder, Mitsubishi Strada, Toyota Grand Hiace, Mitsubushi Strada pickup, Toyota Hiace Grandia, Mitsubishi Montero, at Isuzu Crosswind.

Continue reading “May Pajero man o wala”

Kariton ng mga pangarap

Ederic, Efren and Andrew

Kamakailan ay naging saksi ako sa katuparan ng isang pangarap. Malaking bagay ito sapagkat ang kaganapang ito’y kakanlong at magpapayabong sa marami pang mga pangarap.

May tinatapos ako nang weekend na iyon nang mag-tweet si Andrew Wolff, ang makisig at maalalahanin kong pinsan. Papunta raw siya kay Efren Peñaflorida, Jr. sa Cavite. Araw iyon ng pagbubukas ng Kariton Building ng organisasyon ng Pilipinong CNN Hero. Dahil kaladkarin ako nang araw na iyon — at talaga namang bilib sa Dynamic Team Company (DTC) ni Kuya Ef — agad akong sumagot na sasama ako. Mahaba-haba ang biyahe namin dahil sa trapik. Itinuloy na lang namin habang kumakain ng libre niyang McDo meal ang mga kuwentuhan at talakayang kadalasa’y sa YM at Twitter lang namin ginagawa. Natawagan pa namin si Tita Mila at nagkumustahan sila.

Continue reading “Kariton ng mga pangarap”

Rizal @ 150

Noong mas bata pa ako, may ilusyon akong reincarnation ako ni Jose Rizal. Gaya niya, ninais ko ring maging doktor, manunulat, pintor, makata — at babaero. ‘Yun nga lang, ang nakuha ko sa kanya ay ‘yung parteng laging basted — o nauunsyami ang love life.

Pero sa bandang huli, nakilala ko si Myla, isang binibining sa murang edad ay nangako sa sariling ang mamahalin niya’y isang lalaking kagaya ng ating pambansang bayani. Yun nga lang, hindi ko maipaliliwanag kung paano ko siya nakumbinsing ako ang hinahanap niya. Siguro, dahil gaya ni Rizal, di ako kalakihang tao. O baka naman nakalimutan na lang niya ang lumang pangako niya.

Continue reading “Rizal @ 150”