Kahirapan at karangyaan

Nakadilaw akong pumasok sa Lola Idang’s para magtanghalian noong Linggong nakipagbakbakan ang ating Pambansang Kamao, si Manny Pacquiao, sa Amerikanong boksingerong si Shane Mosley. Magsisimula na noon ang laban, pero dahil di ako masyadong natutuwa sa sabong ng mga tao saka wala naman akong cable at pay-per-view, sa Internet ko na lang minonitor ang laban. […]

AJ Perez, 18

Gumising noong Abril 17 ang mga tagahanga ni Antonello Joseph Sarte Perez — mas kilala bilang AJ Perez — sa balitang wala na ang kanilang idolo. Pabalik na si AJ sa Maynila mula sa isang pagtatanghal sa Dagupan nang mag-overtake at bumangga sa isang Partas bus ang sinasakyan niyang van. Wala nang buhay ang batang […]

2010

Pagbabago at pag-asa ang ang wari’y lumukob ngayong 2010 sa Pilipinas. Nabago ang pamamaraan ng pagboto at pagbibilang ng mga boto. Nagkaroon tayo ng bagong gobyerno at bagong pangulo. Napalitan ang mga opisyal na paborito nating isumpa nang lihim. Pati pera, mababago na rin: Bago matapos ang taon, mahahawakan na natin ang mga bagong salaping […]

Masineng 2010

Hindi ako masyadong mahilig manood ng sine. Kadalasan, nanonood lang ako kapag mga paborito kong artista ang bida. Kahit mga DVD, iniisnab ko kapag ang pagpipilian ay ito at ang pag-i-Internet. Kaya nga dehado nga ako sa mga usapan tungkol sa Hollywood films. Pero naisip kong ngayong bagong taon, kapag may pagkakataon at pera, di […]