Garapalang pambabastos

FLASH REPORT!
Cherrie Gil just
gave Vic Agustin
a “douse of cold
water,” saying,
“You’re nothing
but a second-rate
trying-hard
copycat!”

Galing ang “quotable quote” sa huling bahagi ng text message na ito sa pelikulang “Bituing Walang Ningning” nina Sharon Cuneta at Cherrie Gil, kung saan gumanap ang huli bilang Laviña, ang sikat na mang-aawit na nagalit sa dati niyang tagahanga na nagsisimula na ring sumikat. Continue reading “Garapalang pambabastos”

Mga kuwentong bagyo

“Madilim ang gabi. Humahaginit ang hangin. Umuulan, at anong lakas! Nalalapit na yata ang malakas na bagyong tatahak sa Katimugang Luzon. Sa aming dampa ay wala kaming matayuan ni Inay. Basang-basa ang aming sahig dahil sa mga butas ng aming lumang yerong bubong…”

Ganyan ang pagkaalala ko sa mga pambungad na linya ng isang declamation na sinaulo namin ng mga kamag-aral ko matagal na panahon na ang nakalilipas–noong nasa elementary school pa ako. Ewan ko ba’t kung bakit pati kaming mga lalaking honor students ay pinag-ensayo ng aming mga guro sa isang declamation contest kahit ang ang pangunahing karakter sa bibigkasing piyesa ay isang batang babae. Continue reading “Mga kuwentong bagyo”

Hustisya at dangal

“Isang taon na ang nakalipas mula nang ako ay ginahasa at itinapon ng mga Amerikanong sundalo sa tabi ng daan na parang baboy. Sa araw na ito noong nakaraang taon, pumunta ako sa Subic kasama ang aking mga kapatid para magbakasyon. Noon, punung-puno ako ng buhay at pag-asa sa aking kinabukasan. Noon, masaya akong nabubuhay kasama ang aking pamilya. Hindi ko akalain na ang aking pagbakasyon sa Subic ay hahantong sa isang trahedya. Sa araw na ito noong nakaraang taon, nagbago ang aking buhay.”

Ganito sinimulan ng biktimang tinatawag na si Nicole ang kanyang pahayag sa unang anibersaryo ng kontrobersyal na Subic Rape case. Punung-puno ng hinaing ang pahayag ni Nicole. Ikinuwento niya ang naranasan niya sa paghahanap ng katarungan: “Hindi naging madali ang aking pagsampa ng reklamo laban sa aking mga rapists. At lalong hindi naging mabait sa akin ang sistema nang ako’y magdesisyon na ituloy ang aking kaso,” ayon kay Nicole. Continue reading “Hustisya at dangal”

Philippine Idol

Dati’y may naisulat na ako tungkol kay Jasmine Trias, isang dalagitang may dugong Pinoy na naging finalist sa American Idol, isang sikat na TV show sa United States. Dahil marahil kay Jasmine, naging popular din sa Pilipinas ang palabas na ito. Pati mga tulad kong walang pakialam sa mga palabas sa States, napatingin at nakiabang na rin sa American Idol.

Dahil sa mga programang gumagaya sa American Idol, muling namayagpag ang mga paligsahan sa pag-awit sa telebisyon. Wari’y nabuhay ang sigla ng “Tawag ng Tanghalan” at “Tanghalan ng Kampeon”, na namayagpag sa ere noong mga nakalipas na dekada. Continue reading “Philippine Idol”