Titik ni Ederic

Bangayan
Parang si Bernardo Carpio lang ngayon ang mga Pilipino. Sa mga hindi nakakakilala kay Bernardo Carpio, isa siyang tauhan sa mitolohiyang Pilipino. Napapagitna siya sa dalawang napakalaking bato, at gamit ang kanyang pambihirang lakas ay pinipigilan niyang magbungguan ang mga ito. Sinasabing kapag gumagalaw raw si Bernardo Carpio ay nagkakaroon ng lindol.

Gaya ni Bernardo Carpio, napapagitna ngayon ang mga Pilipino sa nagbabanggaang malalaking tao: sina Punong Mahistrado Renato Corona at Pangulong Noynoy Aquino.

Si Corona ay naging tauhan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na iniluklok ng huli bilang pinuno ng Kataastaasang Hukuman sa kabila ng malawakang protesta. Si Aquino naman ay anak ng mga bayani ng demokrasya, at noong 2010, ihinalal bilang pangulo ng nakararaming botanteng Pilipinong sawang-sawa na sa kalabisan ng rehimeng Arroyo.

In-impeach ng House of Representatives si Corona dahil sa mga alegasyon ng pagkakanulo sa tiwala ng publiko, paglabag sa saligang batas, at katiwalian. May basbas ni Aquino ang impeachment, na isinulong ng mga kapartido ng Pangulo.

Patuloy ang palitan ng maaanghang na salita ng dalawang pinakamataas na pinuno ng sangay ng pamahalaan ng Pilipinas.

Itinuturing ni Aquino si Corona bilang sagabal sa kanyang paglilinis sa korapsyong namayagpag sa panahon ng sinundan niyang pangulo at dating boss ng punong mahistrado. Ayon sa mga kaalyado ni Aquino, hindi nagpasa ng tamang statement of assets, liabilities, and net worth si Corona.

Pero ayon sa chief justice, personal na paghihiganti raw ang motibo ni Aquino sa pang-i-impeach ng sa kanya. Galit daw si Aquino dahil sa desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi sa mga magsasaka ang Hacienda Luisita na pag-aari ng Pamilya Cojuangco, na kinabibilangan ni Aquino. Pero mula sa panahon ni Arroyo hanggang sa panunungkulan ni Aquino, hindi nagbago ang Malacanang sa posisyon nitong dapat ipamahagi ang Hacienda Luisita.

Ilang ulit nang binatikos ni Aquino si Corona sa publiko. Sa isang pagkakataon, harap-harapan pa nga. Dati nang sinabi ni Aquino na ang pagkakatalaga kay Corona ay nasasakop ng panahon kung kailan bawal, ayon sa saligang batas, na ang pangulo ay humirang ng sinuman dalawang buwan bago sumapit ang halalang pampanguluhan hanggang sa matapos ang kanyang panunungkulan. Pero sa kabila ng malinaw na probisyong ito, nang iprotesta sa Korte Suprema ang pagkakatalaga ni Arroyo kay Corona, kinampihan ng Korte ang mag-amo.

Sabi ni Corona, isang boto lamang ang halaga niya sa Kataastaasang Hukuman. Totoo naman. Pero nakapagtatakang sinasabi rin niyang ang tangkang pagtanggal sa kanya sa puwesto ay isang atake laban sa buong Korte Suprema. Marami tuloy ang nagtatanong: ano ba talaga, Kuya?

Sinasabi rin ni Corona na naglalatag ng isang diktaturya si Aquino. Ang kabalintuaan dito,  ang pamilya ni Aquino ay naging biktima ng diktaturyang Marcos, na pinagsilbihan ni Corona noong siya’y nag-aaral pa.

Samantala, nakakatanggap ng mga batikos si Aquino dahil sa kakangawa niya tungkol kay Corona. Pero ipinagpipilitan ni Aquino na may karapatan siyang ipahayag ang kanyang mga opinyon, kesohodang nasa Senado at dinidinig na ang impeachment.

Sa gitna ng nakakaiskandalong bangayang ito, ang mamamayang Pilipino ang kawawa, sapagkat pinababa ng mga nakaupo ang dangal na kaakibat ng kanilang katungkulan.

(Pinoy Gazette)

Palm webOS
Isa ako sa mga nagulat at nadismaya nang ibalita ng kumpanyang Hewlett-Packard (HP) na ititigil na nila ang paggawa at pagbebenta ng smartphones at computer tablets nila. Pangarap ko kasing magkaroon ng kanilang Palm Pre phones — ang kanilang sagot sa iPhone ng Apple — at ng kanilang TouchPad — ang pantapat naman nila sa iPad. Itong TouchPad ay isa sa mga produktong ini-endorso ng ating Pambansang Kamao, si Manny Pacquiao. Matagal ko nang hinihintay na dumating sa Pilipinas ang gadgets na ito, kaya’t nakalulungkot na di na ito maibebenta pa rito.

Kapwa pinapatakbo ang Pre at TouchPad ng mobile operating system na HP webOS. Mahusay ang webOS: may multitasking kaya’t pwede mong magkakasunod na gawin ang pagche-check ng email o paglalaro ng games nang di ka mawawalan ng datos. Kaya rin nitong pagsama-samahin ang contact details ng mga kaibigan mo mula sa iba’t ibang kinalalagyan: sa address book mo man sa Yahoo!, o sa Google, o sa Facebook. Kapag may bago kang mensahe, tahimik mong makikita ang notification kaya’t di ka maaabala.

Ang webOS operating system ay gawa ng Palm, ang kumpanyang nakilala dahil sa kanilang Palm Pilot — isang digital organizer. Halos lahat ng makabagong features ng cellphone mo ngayon — ang touch screen, ang bonggang address book, ang pagsi-sync ng datos mo sa cellphone papuntang computer at vice versa, masasabing Palm ang nagpasimula. Patok na patok ang gadgets nila, mula Palm Pilot hanggang sa Treo phones. Madali kasing intindihin at napakaraming gamit. Kahit iPhone na ang pangunahing phone ko ngayon, ginagamit ko pa rin ang lumang Palm Centro ko.

Pero nitong nakalipas na dekada, bumagal ang pagbabago sa kanilang mga produkto, humina ang benta, at naungusan sila ng Blackberry at Apple. Naipakilala na nila ng Palm webOS, ang bagong mobile operating system na ipinalit nila sa paborito kong maasahan ngunit niluma na ng panahong Palm OS, nang bilhin ng HP ang kumpanya. At naging HP webOS ang Palm webOS.

Sinubukan ng HP na makipagtapatan sa Apple, ngunit tila nahuli na sila sa biyahe. Kaunti na lang ang ang na-excite sa mga produkto nila — malamang ay iyong mga loyal fans lamang na gaya ko.  At nitong isang linggo nga, pumutok ang balitang ititigil na ang mga produktong webOS, at balak ibenta ng HP ang bahagi ng kanilang kumpanyang gumagawa ng mga personal computer at iba pang produktong kinabibilangan ng Pre at TouchPad. Samantala, itutuloy pa rin daw ng HP ang development ng webOS at baka ipagamit o ipa-license nila ito sa ibang manufacturers.

Kabalitunaan ang mga sumunod na nangyari: ibinagsak-presyo ng HP ang TouchPad mula $399 patungong $100 sa Estados Unidos. Mabilis na kumalat ang balita at nagkumahog mga tao sa pagbili. Out of stock na ang TouchPad sa mga tindahan at sa mga nagbebenta online. Sinubukan ko pa ngang mag-order online, pero nakansela rin ito.

Kahit nakabitin ngayon ang kapalaran ng mga produktong webOS, umaasa ang mga masusugid nitong tagasunod na na di pa ito ang wakas ng makulay na kasaysayan ng Palm. Ilang ulit nang namatay at nabuhay ang Palm: naibenta, muling nabawi ng mga tagapagtatag, namayagpag, nalaglag, at nabiling muli. Sa pagsuko ng HP, maaaring di pa ito ang huli.

Isa sa pinakaaktibo at loyal ang komunidad nito. Sabi nga naming mga Palm fans sa Internet, pagkatapos ng kabanatang ito ay hihintayin namin ang bagong webOS gadget na papangalanang Phoenix — sana Palm Phoenix.

(Pinoy Gazette)

Ka Martin
Kaarawan ng kaibigan kong si Alexander Martin Remollino – isang makabayang makata ang manunulat – noong Agosto 6  at nagkita-kita kami ng ilan pa sa mga kaibigan niya para alalahanin ang kanyang birthday. Pumanaw si  Alex noong Setyembre 3, 2010. Nais kong ibahagi sa inyo ang  pahayag na binasa ko noon sa gabi ng parangal sa kanya:

Marahil, marami po sa ating naririto ngayon ay naubusan na ng mga salita sa nangyari kay Alex. Ang ginagawa na lang natin — lalo na iyong mga di nakasama si Alex sa huling yugto ng kanyang paglalakbay — ay maghapuhap ng mga alaala noong kapiling pa natin siya.

Kaya hayaan ninyong ikuwento ko kung paano namin nakasama si Alex sa website at online community na Tinig.com, na iniluwal sa inspirasyon ng People Power 2. Maaari siguro naming ipagmalaki na kami sa Tinig.com ang mga unang nakasama ni Alex sa kanyang pagtahak sa cyberspace.

Ganitong buwan din, Setyembre, taong 2001, nang malathala ang mga unang akda ni Alex sa Tinig.com.

Dahil sa humanga ako sa kanyang husay sa pagtalakay sa mga usapin at sa galing sa paggamit ng Filipino at English, pagkalipas ng ilang buwan ay inanyayahan ko siyang maging kolumnista at kapatnugot ng Tinig.com. Masaya niyang tinanggap ang mga bagong gawain nang walang anumang hinihintay na kapalit kundi ang kasiyahang makatulong sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang Pinoy na makapagpapahayag ng kanilang saloobin sa iba’t ibang usapin.

Sa kanyang unang sanaysay na “Tungo sa Pangmatagalang Kapayapaan,” ipinaliwanag ni Alex sa paraang madaling intindihin kung bakit nagkakaroon ng rebelyon. At sa kanyang tulang “Sa Aking Panulat,” inilatag ni Alex ang tema at uri ng panitik at peryodismong itataguyod niya hanggang sa huli:

Ikaw ang aking maso

sa pagpanday ng isang bayan

kung saan walang taong parang asong nakagapos

habang hinihimod ang paa ng kung sino,

kung saan ang mga tao

ay mga mulawing lahat at di mga kawayan.

Kapayapaan at kalayaan. Karapatang pantao at katarungang panlipunan. Pag-alaala at pagpapatibay ng alaala ng mga dakilang Pilipino. Matibay na perspektibang pangkasaysayan. Iyan ang mga temang pumuno sa mga pahina ni Alex sa Tinig.com.

Hindi iniwan ni Alex ang Tinig.com. Sabi nga ng kasintahan ko, si Alex ang bumubuhay sa Tinig.com. Noong sobrang abala ako sa trabaho sa GMA-7, sila ni Aris ang nagpatakbo sa website. Sa mga panahong inaatake ako ng katamaran, siya ang nangungulit sa mga deadline. Bago siya ma-ospital, ini-email pa niya ako dahil nawalan siya ng access sa site. Nang maayos ang technical glitch, naipost niya ang huli niyang kolum.

Nakasama rin namin si Alex sa pagbubuo ng maliit na online group naming Filipino Youth for Peace, na sumalungat sa giyera ng US sa Iraq. Siya ang nagbuo at nagsulat ng mga pahayag ng grupo.

Bilang kaibigan at kasama sa minsan-minsang EB o rally, sa una’y matatakot ka kay Alex. Para kasing laging galit ang malaking taong ito. Pinagngangalit siya ng galit sa kawalan ng katarungan at katuwiran.

Pero sa oras ng kwentuhan at tawanan, lalo na kung may inuman sa Mang Jimmy’s o sa sarado na ngayon Jordan’s, sa kasiyahan ay nawawala ang mga maliliit na mata ni Alex. Ang kanyang masasayang tawa at lalong sumisingkit na mga mata — bukod syempre sa kanyang maikli ngunit ulirang buhay bilang tunay na anak ng bayan — ay kabilang sa mabubuting mga bagay na iniwan ni Alex sa atin.

Sa huli, salamat sa kanyang ina, kay Aris, at kay Becca, at ibinahagi ninyo sa amin si Alex.

(Pinoy Gazette)

May Pajero man o wala
Nakatikim ng sermon mula sa mga senador si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Margarita Juico sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa isyu ng pagtanggap ng ilang obispong Katoliko ng mga sasakyan mula sa PCSO noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi kasi maipaliwanag ni Juico kung bakit tinawag ng media na “Pajero bishops” ang mga obispong nasangkot sa kontrobersiya, gayong wala naman daw sa kanilang nakatanggap ng Pajero.

Ayon sa ulat ng Commission on Audit, umabot sa P6.9 milyon ang kabuuang halaga ng pondo ng PCSO na ipinagkaloob sa Simbahang Katoliko para ibili ng mga sasakyan para sa mga diyoseses ng Cotabato, Zamboanga, Basilan, Butuan, at sa Caritas Nueva Segovia.  Ang mga sasakyang natanggap daw ng mga obispo ay Nissan Pathfinder, Mitsubishi Strada, Toyota Grand Hiace, Mitsubushi Strada pickup, Toyota Hiace Grandia, Mitsubishi Montero, at Isuzu Crosswind.

Sa limitadong pagkakaalam ko sa mga sasakyan, ang Mitsubishi Montero ay kamag-anak ng Mitsubishi Pajero, at sa ibang bansa, may kakabit pa ring Pajero ang pangalan ng Montero. Di kaya sa isang Montero galing ang bansag na “Pajero bishops”?

Para sa mga senador, walang ilegal sa pagbibigay ng sasakyan ng PCSO sa mga obispo. Ginamit naman daw nila ang mga ito hindi para sa sarili kundi sa kanilang mga gawaing pangkawang-gawa. Ayon pa kay Senador Miriam Santiago, mukhang tinrabaho ng isang PR man ang pagpapaputok ng “Pajero bishops” controversy para pagtakpan ang mas malaking eskandalo ng maling paggamit ng pondo sa PCSO at sa Philippine Amusement and Gaming Corporation. (Sa tingin ko, unti-unti na ring nabibisto ang mas malaking katiwalian na binabanggit ng senadora.)

Pero nakatanggap man o hindi ng Pajero ang mga obispo, legal man ito o hindi, dapat ding isaalang-alang ang konteksto – ang panahon at pagkakataon – sa pagsusuri kung katanggap-tanggap ang ginawa nilang pagtanggap ng pondo mula sa PCSO, isang opisina sa ilalim ng noo’y presidenteng si Arroyo.  Kabi-kabila ang kontrobersiya at bintang ng katiwalian laban kay Arroyo noon, at ilang ulit na nanlumo ang mga kritiko ni Arroyo nang manatiling playing safe ang mga obispo gitna ng mga panawagan ng pagbibitiw at pag-impeach sa kanya.

Hindi maiiwasang isipin ng mga tao na maaaring kakabit ng mga donasyong ito ang kanilang katapatan at tahimik na suporta sa dating pangulo sa kabila ng umano’y pangungurakot at pandaraya, lalo na kung ganito ang mababasa nila: “I hope you will never fail to give a brand new car which would serve as your birthday gift to me.” Galing yan sa sulat ni Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos sa noo’y pangulo. “Be assured of my constant support and sincerest prayers to your Excellency,” ang pagtatapos niya. Ngayon, para na siyang tagapagsalita ni Arroyo kung makabanat kay Pangulong Aquino.

Sigurado ako, hindi ganito ang ini-expect natin sa ating mga obispo.

(Pinoy Gazette, Hulyo 24, 2011)

Kariton ng mga pangarap
Kamakailan ay naging saksi ako sa katuparan ng isang pangarap. Malaking bagay ito sapagkat ang kaganapang ito’y kakanlong at magpapayabong sa marami pang mga pangarap.

May tinatapos ako nang weekend na iyon nang mag-tweet si Andrew Wolff, ang makisig at maalalahanin kong pinsan. Papunta raw siya kay Efren Peñaflorida, Jr. sa Cavite. Araw iyon ng pagbubukas ng Kariton Building ng organisasyon ng Pilipinong CNN Hero. Dahil kaladkarin ako nang araw na iyon — at talaga namang bilib sa Dynamic Team Company (DTC) ni Kuya Ef — agad akong sumagot na sasama ako. Mahaba-haba ang biyahe namin dahil sa trapik. Itinuloy na lang namin habang kumakain ng libre niyang McDo meal ang mga kuwentuhan at talakayang kadalasa’y sa YM at Twitter lang namin ginagawa. Natawagan pa namin si Tita Mila at nagkumustahan sila.

Malapit nang dumilim nang makarating kami sa Cavite City. Nahanap din namin ang Kariton Building matapos ang ilang pagpa-ikut-ikot. Tapos na ang programa, pero naroon pa rin ang mga bata. Ipinakilala kami ni Kuya Ef sa kanyang mga kasamahan at inilibot kami sa tatlong palapag na gusali na tinatawag ding KarBuil, short for Kariton Building, dahil ang disenyo ng gusali ay parang isang malaking kariton.

Mayroon itong activity area na maaaring pagdausan ng mga pagsasanay at siya na ring silid-aralan. Nasa itaas naman ang aklatang naglalaman ng mga libro, telebisyon, at iba gamit sa pag-aaral. Mayroon ding opisina, kusina, bodega, silid-pulungan, roof deck at viewing deck, pati na rin tenant rooms sa KarBuil.

Isinama kami ni Kuya Ef sa viewing deck sa itaas ng gusali. Habang tinatanaw naming tatlo ang paligid na unti-unti nang nilalamon na ng dilim, hindi ko maiwasang mamangha. Nakatungtong kami sa isang gusaling nabuo mula sa isang pangarap: ang mithiing magkaroon ng malaking espasyo para sa mga gawaing hihikayat sa mga kabataang ituloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng maraming balakid. Nakatutuwang isipin na sa tulong ng bayanihan, suporta mula sa mga kaibigan, at maraming mga panalangin, nakatayo na ang Kariton Building.

Ayon kay Kuya Ef, ang Kariton Building ay hindi magiging isang pormal na paaralan, kundi gagamitin bilang tutorial center. Layunin ng DTC na mahikayat ang mga batang tinutulungan nila na maging mas intresadong matuto at mahalin ang kanilang pag-aaral.

Nang umakyat sila ni Kuya Ef para sa interview, nakipagkuwentuhan at nakipagkulitan naman kami ni Andrew sa mga bata. Nalaman naming ang DTC at ang mother organization nitong Club 8586 ay nagluwal ng mga bagong samahan ng mga kabataan na ang layunin ay tumulong sa iba pang mga kabataan. Nakilala namin sina Zhenkie ng Caring Children. Nasa high school pa lamang sila, pero mga leader na, at ang kanilang grupo ay may mga buhay na proyekto. Ang kanilang business manager, halimbawa, ay talagang may business: nagtitinda siya ng ice candy noong araw ng pagbubukas ng KarBuil. Ang kinikita nila sa mga ganoong proyekto ay ginugugol naman nila sa outreach activities gaya ng pamimigay ng mga gamit sa paaralan. Sobrang nakaka-inspire ang mga kabataang iyon.

Masaya at inspirado akong nakisakay ulit sa kotse ni Andrew pabalik sa Maynila nang gabing iyon. Maipagmamalaki naming nakausap namin si Kuya Ef, na idolo ng maraming Pilipino, at naging bahagi kami ng pagbubukas ng kanyang kariton ng mga pangarap. Nawa’y patuloy na lumawak ang kilapsaw ng kabutihang sinimulan ng grupo nina Kuya Ef.

(Unang nalathala sa www.ederic.net. Mag-email lang sa ederic_eder@yahoo.com para sa comments)

Rizal @ 150
Noong mas bata pa ako, may ilusyon akong reincarnation ako ni Jose Rizal. Gaya niya, ninais ko ring maging doktor, manunulat, pintor, makata — at babaero. ‘Yun nga lang, ang nakuha ko sa kanya ay ‘yung parteng laging basted — o nauunsyami ang love life.

Pero sa bandang huli, nakilala ko si Myla, isang binibining sa murang edad ay nangako sa sariling ang mamahalin niya’y isang lalaking kagaya ng ating pambansang bayani. Yun nga lang, hindi ko maipaliliwanag kung paano ko siya nakumbinsing ako ang hinahanap niya. Siguro, dahil gaya ni Rizal, di ako kalakihang tao. O baka naman nakalimutan na lang niya ang lumang pangako niya.

Kapwa kami excited sa pagsapit ng pag-alaala sa ika-150 kaarawan ni Rizal. Nagbalak pa kaming pumunta sa Luneta para makiisa sa pagdiriwang, pero umeksena si “Egay,” na nagdala ng pabalik-balik na ulan sa Kamaynilaan. Online na lang ulit ang kontribusyon ko sa mga pagdiriwang. Si Myla naman ay tumutok na lang sa pag-aayos ng mga istorya tungkol kay Rizal na ipapalabas nila sa telebisyon.

Sa gitna  ng mga film showing, book launch, fun run, lecture, at iba pang gawain para sa Rizal @ 150, naisip ko lang na sana’y lumampas sa pagiging sentimental at lip service lang ang lahat ng ito. Napakadali kasing magsuot ng Rizal t-shirt, magbasa ng mga babasahin at makinig sa mga kanta tungkol sa kanya, at kung anu-ano pa. Pero pagkatapos ng mga ito, ano?

Sabi nga ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang talumpati: “Hindi po lahat ay pinapalad na tawagin upang magbuwis ng buhay para sa bayan. Subalit para sa nakararami, nasusukat ang pagkabayani sa araw-araw nating pagharap sa maliliit na sangandaan: Ang pagsunod sa batas, ang paggalang sa kapwa, ang paggawa ng tama sa sinumpaan nating mga tungkulin, at ang manindigan sa atin pong prinsipyo.”

Magsilbi nawang inspirasyon ang buhay at kamatayan ni Rizal sa pagtahak natin sa matuwid na landas na pangarap ng ating pangulo.

Samantala, binalikan ko rin ang “Veneration Without Understanding” ni Renato Constantino, isang makabayang mananalaysay. Ayon kay Constantino, kung paanong nakinabang tayo sa mga magagandang katangian ni Rizal, mahalaga ring pag-aralan natin ang kanyang mga kahinaan at matuto mula rito.

Sa kanyang “Our Task: To Make Rizal Obsolete,” ipinahayag din ni Constantino ang pagnanais na dumating ang panahong babasahin na lamang natin ang mga akda ni Rizal bilang pag-alaala sa nakalipas, at di bilang salamin ng kasalukuyang mga problema ng bayan.

Kapag nakumpleto na natin ang gawain at adhikain ni Rizal at narating ang Bagong Pilipinas sa pamamagitan ng tuwid na landas, di na natin kakailanganing maghanap ng mga bayaning tulad niya. Sa panahong iyon, aalalahanin at pararangalan na lang natin siya kasama nina Andres Bonifacio at marami pang ibang nabulid sa dilim ng gabi habang nag-aalay sila ng buhay para sa adhikaing nagdala sa atin sa pangarap na iyon.

Maabutan nawa namin ni Myla — nating lahat — ang panahong iyan.

(Pinoy Gazette)

Si Ma’am Chit
Isa si Ma’am Chit Estella sa mga alumni at dating pangulo ng UP Journalism Club na ang mga pangalan ay inilalagay namin noon sa recruitment posters na ipinapaskil sa kampus. Isa siya sa mga iginagalang na pangalan sa peryodismo at tinitingala naming noo’y mga estudyante sa UP College of Mass Communication (UP CMC).

Hindi kami naging malapit na magkatrabaho, pero lagi akong may kaugnayan sa mga institusyong bahagi siya, at nanatili siyang isa sa mga hinahangaan kong peryodista. Labis kong ikinalungkot ang pagpanaw niya sa isang aksidente noong Mayo 13.

Naging managing editor si Ma’am Chit ng dyaryong tinatawag kong “mother studio” – ang Manila Times ng dekada 90. Katuwang siya ng noo’y editor-in-chief at kapwa UP JournClub alumna na si Ma’am Malou Mangahas sa pagsusulong ng makabuluhang at malayang pamamahayag. Apat na summer akong nagsanay sa ilalim ng kanilang grupo, at sa Times ko unang naranasan ang pagiging totoong peryodista.

Nahati ang kahanga-hangang grupo ng Times editors nang mag-apologize ang mga may-ari ng diyaryo sa noo’y Pangulong Joseph Estrada dahil sa isang istoryang kinainisan ni Erap. Kabilang si Ma’am Chit sa mga nag-resign bilang protesta, samantalang sina Ma’am Malou ay nanatili. Pagka-graduate, nakasali pa ako nang ilang buwan sa Times bilang correspondent hanggang sa magsara ang diyaryo noong Hulyo 1999.

Pagkatapos noon, naging punong patnugot si Ma’am Chit ng Pinoy Times, ang matapang na Tagalog tabloid ng Inquirer founder na si Eugenia Apostol. Isa ang Pinoy Times sa mga nagbunyag sa mga eskandalo sa rehimeng Estrada. Bagamat pinalampas ko ang pagkakataong maging reporter, nag-ambag naman ako ng opinion pieces para sa kanilang youth column. Minsan din akong nakadalaw opisina nila sa Kamuning at nakahingi ng pahintulot nina Ma’am Chit na mai-reprint ang isang istorya nila sa website kong Tinig.com.

Inirepost ko rin sa Tinig.com ang articles sa Yonip.com ng kabiyak ni Ma’am Chit na si Prof. Roland Simbulan, isang makabayang guro sa UP Manila at advocate ng kapayapaan at kasarinlan.Nagkakilala sila ni Ma’am Chit sa Philippine Collegian.

Aniya, minsan daw ay may staff ng isang senador na nagbigay kay Ma’am Chit ng P5,000 sa isang presscon. Walang pag-aalinlangang ibinalik niya ito na may kasamang sulat sa senador. “Her compassion for victims was natural. She was consistent in her ethics. She was gentle but had the inner strength. How can you not love such a woman?” ani Sir Roland.

Nang magsara ang Pinoy Times, nagturo si Ma’am Chit sa UP CMC at sa Ateneo. Naging editor din siya ng Philippine Journalism Review Reports. Inilalathala ito ng Center for Media Freedom & Responsibility, na dati ko ring pinagtrabahuhan bilang staffwriter sa ilalim nina Melinda Quintos-de Jesus at  Prof. Luis Teodoro, dating UP CMC dean.

Itinayo ng grupong kinabibilangan nina Prof. Chua, Booma Cruz, Luz Rimban, Jennifer Santiago, Ellen Tordesillas, at ni Ma’am Chit ang Vera Files, isang news organization na tumatalakay nang malaliman sa mga isyu. Content partner sila ng Yahoo! Philippines, kung saan ako nagtatrabaho ngayon.

Ayon sa kaibigan at kasamahan niyang si Prof. Yvonne Chua, 2005 nang mag-apply bilang full-time faculty member sa UP CMC si Ma’am Chit, na kilala bilang Prof. Lourdes Simbulan sa school. Nang pumanaw si Ma’am Chit, adviser siya ng JournClub, na nagsabi sa kanilang pahayag: “She was always a mother to us, ready to answer our questions, reminding us to take care of applicants, imparting constructive criticism.”

Sa paglisanni Ma’am Chit, nawalan ang bansa ng isang mahusay, mapagkalinga at may prinsipyong guro at mamamahayag. Ngunit nawa, ang kanyang buhay at kasaysayan ay magluwal ng marami pang tulad niya.

(Pinoy Gazette)

Kahirapan at karangyaan
Nakadilaw akong pumasok sa Lola Idang’s para magtanghalian noong Linggong nakipagbakbakan ang ating Pambansang Kamao, si Manny Pacquiao, sa Amerikanong boksingerong si Shane Mosley. Magsisimula na noon ang laban, pero dahil di ako masyadong natutuwa sa sabong ng mga tao saka wala naman akong cable at pay-per-view, sa Internet ko na lang minonitor ang laban. Nag-liveblog ang Yahoo! Philippines at may blow-by-blow updates din ang Twitter users.

Paglabas ko sa bahay, tinitingnan ko kung may mga ibang taong nakadilaw rin. Bago kasi ang laban, ini-anunsiyo ni Pacquiao na dilaw na gloves ang gagamitin niya bilang simbolo ng pagkakakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa kahirapan. Nanawagan din siya sa mga manonood ng laban sa Las Vegas, gayundin sa mga kababayan sa Pilipinas, na magsuot ng dilaw sa araw ng pagtutuos nila ni Mosley.

Dinala naman ng GMA Network, ang home network ni Pacman, ang kampanya sa Internet sa pamamagitan ng yellow gloves Twibbon campaign. Hinikayat nila ang Pinoy netizens na maglagay ng yellow gloves sa kanilang Twitter at Facebook avatars.

Siyempre, ang kabiyak ni Manny na Jinkee ay nakiisa sa kampanya ng kanyang asawa. Dilaw na hikaw ang isinuot niya sa araw ng laban. Pero ang dilaw na hikaw rin ang naging mitsa ng maraming pagpuna sa mag-asawa. Napaulat kasing pitong milyong piso ang halaga nito. Sabi nga ng isang kaibigan ko sa Twitter: “Yellow gloves to fight poverty. Jinkee wearing earrings worth 7M. What is wrong with this picture?” Na-retweet nang maraming ulit ang tweet na ito. Marami pang ibang nagsulat tungkol sa kabalintunaan ng sitwasyon.

Nang i-retweet ko ang comment na ito, may sumagot sa akin ng “so what?” Para naman sa iba, walang masama sa pagsusuot ni Jinkee ng napakamahal na hikaw bilang simbolo ng paglaban sa kahirapan. Alam naman kasi ng lahat na hindi galing sa pagnanakaw ang ipinambili nito. Ang totoo niyan, pinaghirapan talaga ni Pacquiao ang lahat ng karangyaang tinatamasa nila. Literal na dugo at pawis sa bawat laban sa boksing ang puhunan niya rito.

Naalala ko sa isyung ito ang kontrobersyal na pagbili ni Pangulong Noynoy Aquino ng previously used Porsche ilang buwan na ang nakalilipas. Naniniwala rin ang lahat na personal na pera ng pangulo ang ginastos sa mamahaling sasakyan. Kaya naman para sa mga tagasuporta niya, walang masama sa kanyang ginawa. Ngunit para sa iba, insensitive ang ginawa ng presidente. Kakaiba lang kasing habang naghihirap ang mga kababayang itinuturing niyang boss, bibiyahe naman sa mamahaling sasakyan ang pangulo.

Ganito rin ang pagtingin ko sa usapin ng marangyang porma ni Jinkee. May karapatan silang gastahin ang sarili nilang pera sa anumang paraang gusto nila. Dahil sa bunga ng paghihirap at pagsisikap ang kanilang yaman, deserving silang i-enjoy ito. Dapat din silang purihin dahil sa pagtulong sa kapwa nila. Si Pacquiao ay may mga iskolar na pinag-aaral.

Pero dahil isa ring public official si Pacquiao, kailangan ding iwasan nila ang lantaran at pampublikong pagpapakita ng kanilang karangyaan, lalo na sa mga kampanya at gawaing kaugnay ng paglaban sa kahirapan.

(Pinoy Gazette)

AJ Perez, 18
AJ Perez (Larawan mula sa ABS-CBN

Gumising noong Abril 17 ang mga tagahanga ni Antonello Joseph Sarte Perez — mas kilala bilang AJ Perez — sa balitang wala na ang kanilang idolo.  Pabalik na si AJ sa Maynila mula sa isang pagtatanghal sa Dagupan nang mag-overtake at bumangga sa isang Partas bus ang sinasakyan niyang van. Wala nang buhay ang batang aktor nang dumating sa ospital.

Ipinanganak noong Pebrero 17, 1993, labingwalong taong gulang pa lamang si AJ nang siya’y pumanaw. Bikolana ang kanyang ina at Ilonggo ang kanyang ama. Nagsimula siya bilang commercial model  at lumabas sa patalastas ng mga produktong gaya ng Milo, Colgate, Pepsi, Sun Cellular, Ayala Land, at Globe. Siya rin daw ang nagpauso ng “ye-bah!” sa advertisement ng UFC Banana Ketchup.

Noong 2006, nagsimula ang kanyang pag-aartista nang maging bahagi siya ng Star Magic Batch 13. Lumabas na siya sa ilang pelikula gaya ng “Kasal, Kasali, Kasalo,” “Sakal, Sakali, Saklolo,” “BFF: Best Friends Forever, at “Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round.” Sa telebisyon, napanood siya mga palabas kabilang ang “Abt Ur Luv,” “Lobo” at “Agua Bendita.”

Inuna ni AJ ang edukasyon – kaka-graduate lamang niya ng high school sa La Salle Greenhills kaya ngayon pa lamang nagningning ang kanyang bituin. Katunayan, kakatapos lamang ng kanyang hit na telenobelang “Sabel,” at naging bida siya noong isang taon sa pelikulang “Cinco.” Nakatakda rin sana siyang gumawa ng pelikula kasama ang cast ng “Mara Clara.”

Kabilang si AJ listahan ng “Showbiz’ Next Big Thing” ng YES Magazine. Ani Johnny Manahan ng Star Magic, “If he [AJ] gets the right break, he’d be like a Rico Yan.”  Sa kasamaang palad, si AJ ay naging gaya nga ni Rico – na isa ring Star Magic talent at La Sallista — maagang binawian ng buhay sa panahon ng Semana Santa habang natutulog.

Sabi ko sa Twitter, “The younger ones now have their own Rico Yan.”  Si Rico ang isa sa mga idolo ng aming kapanahunan, pero apektado rin ako ng pagpanaw ni AJ. Ilang linggo bago siya mawala, naghahanap pa kami sa opisina ng larawan niya dahil itanampok siya sa “Popular Celebrity Searches” ng Yahoo! Napansin kong unti-unti nang sumisikat ang batang ito, at lubhang nakapanghihinayang ang kanyang paglisan habang unti-unti na niyang inaakyat ang tagumpay.

Sinundan ko ang pagluluksa ng kanyang mga mahal sa buhay. Si AJ ay isang “happy soul,” anang kaibigan niyang si Sam Concepcion. Nararamdaman ko ang kawalan ng kanyang mga kaibigan at kabarkada. Kasing bata nila kami nang ipagluksa rin namin ang pagpatay sa isa naming kaibigan, si Niño Calinao.

Maaalala si AJ bilang idolo at inspirasyon: crush ng bayan, mapagmahal na kapamilya, palaaral na estudyante, mabuting katrabaho, at malinis na kabataan. Wika nga ni Direk Joey Reyes: “AJ brought a possibility that decency can exist in a business that has been corrupted and so capable of corrupting.  Until his very last day, as he was coming home from work, exhausted as he lay asleep on that fatal van, AJ was untouched by the dirt of the business, opting to preserve his decency and dignity.”

(Pinoy Gazette)

Di kawili-wili
Libu-libo ang nakapanood sa YouTube ng video ng isang batang lalaking kumikiwal-kiwal sa saliw ng musika.  Umiiyak ang bata habang sumasayaw na parang munting macho dancer, at nagkakatuwaan naman ang mga nanonood sa kanya.  Galing ito sa March 12, 2011 episode ng “Willing Willie,” ang palabas ni Willie Revillame sa TV5. Ang batang sumasayaw sa video ay si Jan-jan, anim na taong gulang. Contestant siya sa isang segment ng show.

“Ganyan ho ang hirap ng buhay ng tao. [Si] Jan-Jan, siyempre nagsasayaw siya bilang isang macho dancer sa edad niyang yan, para sa kanyang mga mahal na pamilya. Pinahanga mo ako Jan-Jan…” ani Willie matapos sumayaw ng bata.

Sa gabing iyon, binigyan ni Willie ng premyong sampung libong piso si Jan-Jan, at ilang beses pa niyang pinasayaw ang bata. Sa huli, pinapuwesto si Jan-Jan sa isang umaangat na pedestal habang kumikiwal-kiwal at ang host at mga kasama niya ay nakapaligid sa sumasayaw na bata.

Ang pagkalat ng video ay nagbunsod sa ilang concerned netizens upang magpahayag ng protesta sa anila’y pang-aabuso ni Willie sa bata. Tinawag nila ang pansin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at iba pang ahensiya ng gobyerno, pati na rin ang pribadong sektor. Sa Internet, binuo ang mga Facebook page gaya ng “Para Kay Janjan” at kinondena ng maraming Twitter users, kabilang ang ilang artista, ang nangyari sa bata.

Sa isang liham naman kay Manny Pangilinan, chairman ng ABC Development Corporation na nagpapatakbo ng TV5, sinabi ni DSWD Sec. Dinky Soliman na base sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, hindi maipagkakamaling child abuse ang nangyari kay Jan-Jan.

Nang lumabas sa “Willing Willie” ang mga magulang ng bata, itinanggi nilang may nangyaring child abuse. Gusto raw ni Jan-Jan ang ginawa niya, at sinusunod lamang nila ang kagustuhan ng bata na ma-discover. Naglabas ng apology ang TV5, at sinabing may pahintulot ng mga magulang ang pagsasayaw ni Jan-Jan.

Kinondena rin ng Commission on Human Rights ang “Willing Willie,” at sinabing ang pagpayag ng mga magulang ni Jan-Jan na ilagay sa kahiya-hiyang kalagayan ang bata ay pang-aabuso sa kanya. Nagsasagawa rin ng pagsisiyasat ang MTRCB.

Nag-pull out naman ng kanilang mga patalastas sa palabas ang Mang Inasal ng Jollibee, Del Monte, at Procter & Gamble. Kinansela rin ng Cebuana Lhuillier ang sponsored segment nila. Pagkatapos nito, inianunsiyo ni Willie na dalawang linggo munang mawawala sa ere ang “Willing Willie” habang pinag-iisipan niya kung babalik pa siya. Inatake rin niya ang kanyang mga kritiko at ipinagmalaki ang mga naitulong niya sa kapwa tao.

Hindi pa rito natatapos ang istorya nina Jan-Jan at Willie. Habang isinusulat ito, nagpapatuloy ang kwento at di pa natin alam ang kahihinatnan nito. Isa lamang ang malinaw: maaaring para kay Willie at sa mga tagahanga niya, nagkakatuwaan lang sila nang maging tila munting macho dancer ang bata. Ngunit para sa maraming Pilipino, ang mga ganitong gawa ni Willie ay hindi kawili-wili.

(Pinoy Gazette)