Pakikipagkaibigan sa Internet
February 22, 2009Na-interview ako kamakailan sa telebisyon tungkol sa online social networks. Tinanong ako kung kailan ito nagsimula sa Pilipinas at bakit ito pumatok sa mga Pilipino. Ipinaliwanag kong tayong mga Pinoy ay mahihilig sa mga koneksyon at sadyang masayahin at palakaibigan kaya’t agad nating tinangkilik ang Friendster nang dumating ito sa bansa noong 2003.
Ngayon, napakarami nang online social networks na maaaring salihan. Bukod sa Friendster, nariyan na rin ang Facebook at Yahoo! Profiles. Pwedeng mag-blog habang gumagawa ng mga koneksyon sa Multiply at MySpace. Microblogging naman ang maaaring atupagin sa Twitter, Jaiku at Tumbler. Ganyan din — at may bonus pang chikahan, pati chismisan — sa Plurk. Maaaring mag-share ng videos sa YouTube at Yahoo! Videos at mga larawan sa Flickr at Google Picasa. Para sa bloggers naman, uso ang MyBlogLog, Blog Catalog, at Entrecard.
EDSA sa US
February 8, 2009Isa ako sa maraming Pilipinong nagpuyat noong Enero 20 para mapanood sa telebisyon at sa Internet ang inauguration ng ika-44 na pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama.
Ang unang naging laman ng mga balita bago pa man magsimula ang programa ay ang pagdagsa ng napakaraming tao sa US Capitol sa Washington, DC. Kahit napakalamig noong araw na iyon, isa hanggang dalawang milyon ang dumalo para saksihan ang inauguration.
Ang Punong hitik sa bunga
January 25, 2009
Chief Justice Reynato Puno
Parang si Chief Justice Reynato Puno, hitik sa accomplishment at paghanga ng mga Pilipino. Kaya ayon, binabato ng ilang ambisyoso. Umugong nitong mga nakalipas na araw ang bali-balitang sasampahan siya ng impeachment case sa House of Representatives. Pinigilan daw kasi niya ang pagbababa ng hatol sa isang disqualification case laban sa isang kongresista. Pero kapag sinuri ang totoong nangyari, lalabas na ang Supreme Court en banc pala, at di lang si Puno, ang nagdesisyong ipagpatuloy ang deliberasyon sa kaso, at ang aksyong ito’y para pa rin sa interes ng publiko.
Continue reading Ang Punong hitik sa bunga…