Dangal sa gitna ng trahedya
March 27, 2011Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan sa panahong mabasa ninyo ang artikulong ito. May gulat at takot na sinundan naming ang sunud-sunod na masasaklap na pangyayari diyan sa Japan sa nakalipas na mga araw. Nag-aalala kami para sa inyong mga kababayan namin. Nakikidalahamhati rin kami sa mga nawalay sa mga kapamilya, kaibigan, at kakilala dahil sa lindol, tsunami, at pagtagas ng radiation mula sa Fukushima nuclear power plant.
Sabi sa mga pinakahuling ulat, aabot na 9,000 ang binawian ng buhay dahil sa trahedyang ito. Dalawa sa mga biktima ay mga Pilipino. Nakakalungkot ang mga balitang ito.
Continue reading Dangal sa gitna ng trahedya…
Kalendaryo
March 13, 2011Ilang araw matapos ang aking kaarawan at ilang oras bago ako muling makipagpambuno sa aking panulat, nakipagkita ako sa dalawang kaibigan. Isa sa kanila’y ka-batch ko sa Unibersidad ng Pilipinas, at ang isa ay kaibigan sa cyberspace. Matagal-tagal na rin nang huli akong umupo at nakipagkwentuhan sa isang kasabayan ko sa kolehiyo.
Kailangang linawin
February 27, 2011Laman ng mga balita ngayon dito sa Pilipinas ang pagsisikap ng pamahalaan na iligtas ang tatlong Pilipinong nahatulang mabitay sa Tsina dahil sa pagpupuslit doon ng ipinagbabawal na gamot.
Sa utos ni Pangulong Noynoy Aquino, bumisita si Pangalawang Pangulong Jojo Binay sa Tsina para iapela ang buhay ng mga kababayang nakatakda nang bitayin. Sa kanyang pagbabalik, masayang ibinalita ni Binay na ipinagpaliban muna ng Tsina pagpapataw ng parusang kamatayan kina Ramon Credo, Sally Villanueva, at Elizabeth Batain.
Continue reading Kailangang linawin…