Categories
Blog

Pangulong Cory

Pangulong Cory Aquino

Binalot ng pagluluksa ang Pilipinas nang ang pagpanaw ni dating Pangulong Corazon Aquino ang balitang unang narinig ng mga tao sa kanilang paggising noong Agosto 1.

Si Cory, asawa ni Benigno ‘Ninoy’ Aquino na isa sa mga lider na lumaban sa diktaduryang rehimen noong dekada 70, ay napalapit sa puso ng mga Pilipino matapos patayin ang kanyang asawa noong Agosto 21, 1983. Nakita siya ng madla bilang nagluluksang biyuda ngunit matatag na ina. Naging simbolo siya ng pakikipaglaban para sa demokrasya at kalayaan mula sa mapanupil na rehimen.

Categories
Blog

Pakikipagkaibigan sa Internet

Na-interview ako kamakailan sa telebisyon tungkol sa online social networks. Tinanong ako kung kailan ito nagsimula sa Pilipinas at bakit ito pumatok sa mga Pilipino. Ipinaliwanag kong tayong mga Pinoy ay mahihilig sa mga koneksyon at sadyang masayahin at palakaibigan kaya’t agad nating tinangkilik ang Friendster nang dumating ito sa bansa noong 2003.

Ngayon, napakarami nang online social networks na maaaring salihan. Bukod sa Friendster, nariyan na rin ang Facebook at Yahoo! Profiles. Pwedeng mag-blog habang gumagawa ng mga koneksyon sa Multiply at MySpace. Microblogging naman ang maaaring atupagin sa Twitter, Jaiku at Tumbler. Ganyan din — at may bonus pang chikahan, pati chismisan — sa Plurk. Maaaring mag-share ng videos sa YouTube at Yahoo! Videos at mga larawan sa Flickr at Google Picasa. Para sa bloggers naman, uso ang MyBlogLog, Blog Catalog, at Entrecard.

Categories
Blog

EDSA sa US

Isa ako sa maraming Pilipinong nagpuyat noong Enero 20 para mapanood sa telebisyon at sa Internet ang inauguration ng ika-44 na pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama.

Ang unang naging laman ng mga balita bago pa man magsimula ang programa ay ang pagdagsa ng napakaraming tao sa US Capitol sa Washington, DC. Kahit napakalamig noong araw na iyon, isa hanggang dalawang milyon ang dumalo para saksihan ang inauguration.

Categories
Blog

Mag-ingat sa online scam (2)

Sa nakalipas na kolum, ikinuwento ko ang tungkol sa kaibigan ng tiya ko na pinagtangkaang lokohin ng mga online scammers mula sa Tsina. Pinadalhan siya ng e-mail ng mga manloloko at sinabing nanalo raw siya sa lottery. Nang tinanong ko kung may tinayaan ba silang anumang lottery sa Tsina, wala naman daw.

So ito ang una sa mga ipinangako kong tips para di maloko sa Internet: Hindi ka mananalo sa lotto o raffle — sa Internet man o hindi — kung wala kang sinalihan o tinayaan. Common sense lang yan, di ba? Parang yung mga kumakalat na text messages dito sa Pilipinas: Sasabihin sa ‘yong nanalo ko sa raffle ng GMA Foundation — nanggagamit pa ng pangalan ng Kapuso network at ng ilang ahensiya ng gobyerno — matapos na mabunot ang iyong number. Yun pala, gusto lang makadekwat ng load, o kung mauuto ang napadalhan ng text, maaaring pera pa!

Categories
Blog

Nang dahil sa pag-ibig

“O pagsintang labis ng kapangyarihan
sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat, masunod ka lamang!”

— Francisco Balagtas sa “Florante at Laura”

Ngayong Pebrerong itinuturing na buwan ng mga puso, hayaan ninyong ibahagi ko ang isang kuwento ng paghamak sa lahat, masundan lamang ang minamahal. Hango ang kuwentong ito sa tunay na buhay. Sadya kong pinalitan ang ilang detalye upang maitago ang pagkakakilanlan ng mga nasa kuwento.

Limang buwan nang magkasintahan sina Jimmy at Joni nang magpasya ang babaeng makipagsapalaran sa ibayong dagat upang makatulong sa kanyang pamilya. Tulad ng kuwento ng napakarami nating mga kababayang OFW, kinailangang lumayo ni Joni para sa kanyang mga mahal sa buhay. Sa kanyang palagay, mas gagaan ang buhay ng kanyang pamilya kung sa abroad siya magtatrabaho.