Categories
Pinoy Gazette

Ang mga obispo at ang reyna

Bago ganapin ang pulong ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) nitong Pebrero 26, 2008, naisip kong sa halip na ipagdasal na ang mga obispo ay manawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dapat ay ipanalangin nating ipakita ng Banal na Espirito sa kanila ang tamang kalalagyan sa kasalukuyang usapin.

Masyado na kasing malalim ang kumunoy ng kalintikang kinasadlakan ng ating bayan. Tila kulang ang pagkilos ng mga tao para makaahon tayo. Sa tingin ko, ang anumang gagawin natin ay dapat na may gabay at basbas ng Nasa Itaas.