Categories
Pinoy Gazette

Milagro para kay Tita Cory


Arkibong Bayan

Nagulat at nalungkot ang maraming Pilipino nang i-anunsyo ng mga anak ni dating Pangulong Corazon Aquino na siya ay may sakit na colon cancer. Walang nag-isip na ang dating pangulo, na sa edad na 75 ay walang pagod na nakikibaka laban sa katiwalian, ay may ganoong karamdaman. Sunud-sunod na mga rally at “mass for truth” ang dinaluhan ni Tita Cory bilang pagsasabuhay sa patuloy niyang panawagan para mailabas ang katotohanan sa kontrobersyal na ZTE deal na umano’y kinasasangkutan ng Unang Pamilya.

Siguradong nakakataba ng puso para kay Aquino ang pagbaha ng pagmamahal at panalangin matapos malaman ng sambayanan ang balitang ito. Mula sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan, sa mga nasa civil society, at mga simbahan, iisa ang hiling sa Diyos: ang agarang paggaling ng iginagalang na lider.

Categories
Pinoy Gazette

Bagong FQS

Habang isinusulat ito, kasalukuyang nagaganap sa Liwasang Bonifacio sa Maynila ang isang rally laban sa katiwalian sa ilalalim ng administrasyong Gloria Macapal-Arroyo. Pinangungunahan ito ng mga kabataan at ayon sa CBCPNews.com ay inaasahang dadaluhan ng may 10,000 katao muna sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ganito ang pahayag ng Youth Act Now, ang alyansa ng mga student organizations, councils at publications sa iba’t ibang paaralan sa Pilipinas na nanguna sa pagtawag ng rally: “The government has lost its moral ascendancy to govern due to the long list of scandals, electoral fraud and corruption issues that have mired its rule. The Arroyo administration has long ceased to perform as a role model government for the youth. It has caused the widespread disillusionment among young people and have been a disappointment to the youth’s desire to instill reforms in government.”

Categories
Pinoy Gazette

Ang mga obispo at ang reyna

Bago ganapin ang pulong ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) nitong Pebrero 26, 2008, naisip kong sa halip na ipagdasal na ang mga obispo ay manawagan ng pagbibitiw ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dapat ay ipanalangin nating ipakita ng Banal na Espirito sa kanila ang tamang kalalagyan sa kasalukuyang usapin.

Masyado na kasing malalim ang kumunoy ng kalintikang kinasadlakan ng ating bayan. Tila kulang ang pagkilos ng mga tao para makaahon tayo. Sa tingin ko, ang anumang gagawin natin ay dapat na may gabay at basbas ng Nasa Itaas.