Categories
Pinoy Gazette

Dangal sa gitna ng trahedya

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan sa panahong mabasa ninyo ang artikulong ito. May gulat at takot na sinundan naming ang sunud-sunod na masasaklap na pangyayari diyan sa Japan sa nakalipas na mga araw. Nag-aalala kami para sa inyong mga kababayan namin. Nakikidalahamhati rin kami sa mga nawalay sa mga kapamilya, kaibigan, at kakilala dahil sa lindol, tsunami, at pagtagas ng radiation mula sa Fukushima nuclear power plant.

Sabi sa mga pinakahuling ulat, aabot na 9,000 ang binawian ng buhay dahil sa trahedyang ito. Dalawa sa mga biktima ay mga Pilipino. Nakakalungkot ang mga balitang ito.